Buling buling sa Lipa
Kagagaling ko lang from byahe at nag asikaso ng mga papel and grabe yung pagod tas bigla may mambububos sayo ng tubig kasi raw buling buling at tradisyon. Hindi na ako nakapalag kasi nakatalikod ako tas bigla ba naman may mambubuhos ng tubig.
Hindi ko alam kung may ordinance ba dito sa Lipa regarding jan sa buling buling na yan kasi perwisyo ang abot at nabasa documents na hawak ko at pasma pa aabutin.
Sana manlang if gusto nila icelebrate yan, sana manlang may specific place para jan at dun sila magbasaan hindi yung nangpeperwisyo pa sila ng ibang tao may nilalakad/inaasikaso.