Life is good.
Maangal akong tao, that I'm very sure of. Madami akong gusto na wala pa sa'kin. Madami akong ayaw na nasa'kin pa rin.
Pero ngayong araw, naramdaman ko na maswerte pa rin ako kung nasan ako ngayon. Meron akong P2,037 pag pinaghalo ko ngayon yung meron sa ATM pati sa wallet ko, pero alam ko namang abot 'to hanggang sweldo.
Full tank yung kotse. May mga naitatabi ring ipon in case na may kailangang ipaayos. Maayos nakakapasok papuntang trabaho, maayos ring nakakauwi.
Nakakapili ng gustong kainin. Nakakabili ng gustong kainin. Nakaka-kain ng kumpleto araw-araw.
Hindi madali yung trabaho, nakakastress syempre, pero hindi ako makakaangal don. Isa naman yun sa mga nagbibigay sa'kin madalas ng motivation, drive, tsaka rason sa araw-araw. Pero kahit naman nakakapagod, masaya ako sa pagpasok sa trabaho. Okay ako sa teammates ko, sa officemates ko, sa boss ko. Okay performance ko sa trabaho.
Pag uwi ko ngayong gabi, sabay-sabay kaming nakapag-dinner ng pamilya ko. Madalang kami magkasama-sama kumpara noon, kaya masaya ako kapag kumpleto kami.
Madami kong angal palagi. Dami kong negativities na naiisip, na ikinakatakot. Pero ewan ko ba, masaya ako ngayong araw kaya ko naisip na isulat 'to. Para maalala ko rin sa mga araw na negative na naman ako mag-isip na may mga ganitong araw ako na lamang yung pagpapasalamat ko sa kung ano yung meron ako ngayon.
Life is good. I'm glad I stuck long enough to be where I am, with the people I'm with. I've spent and wasted too much time on people and things that weren't good for me - and I'm sure I still will, a few more times in this life.
Pero for now, kahit ngayong gabi lang, I'll enjoy this moment.
Life is good.