Hindi ko maamin sa asawa ko...

Nahihirapan ako itago. It's been 5 years (2018) at hanggang ngayon tinatago ko parin sa sarili ko yung dahilan. Hindi ko rin alam kung tama ba o mali yung pagtatago ko nito pero ginagawa ko naman to para sa ikabubuti ng anak namin. (or so I thought).

It's been 5 years since we decided na mag live-in sa bahay nila kasama pamilya nya. Nung una, pabor ako dito kasi kakapanganak palang nya sa maganda naming anak nu'n at isip isip ko, makakatulong yung pag iistay namin sakanila na makaipon at hindi makagastos ng malaki sa bayarin ng upa.

Nung unang dalawang taon, okay naman. Komportable naman ako na makasama mga kapamilya nya sa iisang buong. Pero nung umabot na kami sa pangatlong taon, medyo hndi na kami nagkakaunawaan ng asawa ko. Kasi bilang isang Padre de Pamilya, meron kang pride na pinanghahawakan, na kaya mo silang buhayin at bigyan ng magandang kinabukasan. Na-realize ko noon na parang gusto ko na bumukod kami nang maranasan namin na mabuhay ng independent at matuto din sa buhay. Pero ayaw pa ng asawa ko, ayaw daw nya mahiwalay sa mama nya kesyo matanda na daw, walang kasama, etc. Naiintindihan ko naman yun kaya nag-stay pa kami ng ilang taon.

Dito na ako nagkaroon ng problema sa mga kapamilya nya. Nakikita ko na kung paano sila kasama sa iisang bubong, lalo na yung kapatid nya na lalake. Sobrang gamol. Hndi lang sa sarili kundi sa gamit at kwarto nya. Nagkaroon pa nga ng pangyayari na na-confine kami sa ospital nung sya yung nagluto ng ulam. Tapos nagkasakit yung anak ko nung hinahawak-hawakan nya at nilalaro nung may ubo sya, nagka-pneumonia yung bata dahil sakanya. Kahit simpleng paglilinis ng sarili nyang kwarto o sarili hindi nya magawa. Kahit man lang tumulong sa gawaing bahay wala kaming maasahan. Oo may trabaho sya't pagod galing trabaho pero lahat kami dito may trabaho. Bakit exempted sya sa paglilinis? Hindi ba basic human decency ang pagiging malinis sa katawan at sa bahay?

Simula ng mga pangyayaring iyon (among other things na hindi ko na ikukwento at hahaba pa) I felt remorse dun sa kapatid nya. Hindi ko sya kinakausap o kinikibo. Hindi sya nag eexist sa mata ko, para sa akin. Hindi ko rin pinapalapit anak ko sakanya. Na-babadtrip ako pag nandyan sya sa sala na naalibadbaran ako sa itsura nya.

Recently andami kong nababalitaan na may mga bata at menor de edad na ni-rer*pe ng kapamilya. Alam kong sobrang sama namang isipin nito pero hindi maalis yung pangamba ko kaya hindi ko iniiwan anak namin sakanya, kahit kailan. Kapag naaabutan kong naglalaro sila, kinukuha ko agad anak ko. Btw 40 years old yung kapatid ng asawa ko na single, NGSB.

Nagkaroon din kami ng pagtatalo ng asawa ko dahil dito, na kesyo hindi ako nakikisalamuha, o pinagbabawalan ko yung anak namin lumabas, o lagi kaming nasa kwarto lang. Hindi ko masabi yung totoong dahilan. Na ayoko na dito sa bahay nila. Ayoko sa kapatid nya. Ayoko sa madumi.

Nagpaplano na kami na makalipat sa mga susunod na buwan. Ayoko na talaga dito.