Di na ko magpopost ng walking/workout videos ko

I'm starting my fitness journey na. Kasi di na ako natutuwa sa weight ko. I'm 28 (F) and currently at 82kgs na. Hindi na maganda to.

So baby steps lang. I started walking this week. Nakaka 10k steps ako. Umaabot ako ng 5km. Alam kong mali pero ang dami kong naiisip na gustong gawin para mabilis pumayat pero I know hindi naman instant magpapayat. Consistency and discipline, and also patience is the key.

Ang nakakainis lang kasi, ang daming comments like "Sus next week wala na naman yan", "Mamaya mag oorder ka na naman sa Foodpanda eh". Nabwibwisit ako sa mga naririnig ko kaya lalo akong namomotivate to prove them wrong. Nagbabawas na ako ng rice para di mabigla. Less sweets na rin, less carb intake. Super pursigido talaga ako to lose weight.

Tapos sa campo kasi ako nagwawalking. Tas yung sister ng bf ko nagwawalking din pero sa ibang lugar. Comment siya ng comment sa mga my day ko na na mas maganda raw dun sa place kung san siya nagwowork out. paulit ulit na ganun. Eh ayoko nga. Gusto ko sa campo kasi may uphill na part. Sinabi ko naman yun sa kanya noon pa na sa campo ako. Gusto ko maexercise ang baga ko kasi mula nung ginawa ko yun, di na ako inaatake ng asthma. And I have a lot of things going on my mind lately kaya gusto ko magsolo lang sana kasi narerelax utak ko.

Tas ganito gawin mo, ganyan. Okay thank you for your suggestions. And niyayabang niya sakin mga diet niya kahit wala naman akong pakialam. Pls, do whatever works for you. I will do mine kasi nagreresearch din naman ako at nagapapacoach sa mga mga katrabaho ko na gaya ko rin na chubby at naglose na ng weight ngayon. Actually, sa kanila talaga ako namotivate.

Kung ganyan diskarte mo or kung masaya ka sa lugar kung san ka nag wowork out edi go. there's no need to compare. You do yo.

I am open naman to suggestions pero wag naman to the point na parang ipipilit mo na mas tama yung ginagawa mo.

So ayaw ko na magpost at ipaalam sa sambayanan ang mga balak ko. Kasi maraming nakikialam at nakakasira ng diskarte haha. Better stay lowkey nalang talaga. Sorry na, naexcite lang kasi talaga ako balik-alindog program ko.