PET PEEVE UNLOCKED
SKL yung pet peeve ko. Yung ipopoint out sayo na hindi ka nakakarelate dun sa topic na pinag-uusapan ng circle niyo. Twice ng nangyari sa akin ito, hindi naman kasi sa lahat ng pagkakataon ay nakakarelate ako sa topic ng mga friends na sinasamahan ko, kapag ganon ay tumatahimik lang ako at hinahayaan ko lang silang magkwentuhan about that topic. Ang kinaiinisan ko lang ay yung ipopoint out pa in a pang-asar way na hindi ako nakakarelate! "Ay si insert name here tahimik, hindi kasi makarelate sa pinag-uusapan" sabay tatawa. Like, is it really necessary to point that out? Nakakainis lang na parang masaya pa sila na may isang hindi nakakarelate sa pinag-uusapan nila? Not naman na gusto kong mag-topic sila ng nakakarelate ako, ok lang sakin na mag-usap usap sila jan sa topic na sila sila ang nakakarelate, kasi nakakapahinga yung social battery ko as an introvert, pero yung ipopoint out pa na tahimik ako kasi hindi ako nakakarelate sa topic puts me in an awkward feeling.