Magdagdag pa daw pang handog

Kada sahod ng kuya ko, inaabot niya kay mama 4k or 5k. Pero yung nanay ko, naliitan pa kesyo kukulangin pa yung sahod sa pambayad ng upa ng bahay, kuryente, tubig sa wifi etc.

Mabuti sana kung yung manghihingi nanay ko kay kuya pandagdag sa mga gastusin sa bahay, kaso pandagdag sa Tanging Handugan ng distrito. Dibale nang magutom kami basta sagana maghandog eh no? Inggit nga yang nanay ko kada maglalagak kasi, mga kasabay niya daw maglagak malalaki kung magdeposit kaya sinasabihan kami ng mga kapatid ko na pag nagkatrabaho kami, ibigay lahat ng sasahurin sa nanay ko at huwag daw tularan kuya namin na di nagbibigay ng buong sahod kay mama kesyo tampalasan daw di daw sumusunod sa magulang o ang mas malala, tisod daw maghandog, the heck?

Kung ako nga lang eh gusto ko na umalis matagal na kaso di lang makaalis kasi pangulo pa ng isang kagawaran sa lokal namin. Pag nakatiyempo lang talaga, aalis na ako.