"Tisod"
"TISOD" Ang defense mechanism ng INC kapag di na masagot ang mga tanong sa pang aabuso, irreguladad at kurapsyon. Pano ka ba namang hindi matitisod eh ikaw na nga naabuso, ikaw pa ang tagapagtangol ng umaabuso sayo. Ginawa ka nang huthutan ng mahal na tagapamahalang pangkalahatan para palaguin ang investments at negosyo. Samantalang salungat sa Turo ni Cristo na magpalago ng yaman sa lupa. Ang tunay na Iglesia ay "nagbibigay sa mga dukha, dumadalaw sa mga bilango, pinapakain ang mga nagugutom, tinutulungan ang mga maysakit" Pero sa halip na gawin yun , eh nagpayaman ng bilyon bilyon galing sa abuloy ng mga kapatid. Sabi ni Kristo sa binatang mayaman " gusto mong makarating sa kaharian ng langit' IBENTA mo lahat ng mga Ari-arian mo at ipimigay mo sa mga dukha" Pero hindi ganun ang nangyari, nagtayo ng NEU Pero pang mayaman ang tuition, nagtayo ng NEGH Pero ginto ang bayad sa pagpapaospital, nag lunsad ng ' kabayan ko kapatid ko' Pero hindi ang intension ay tumulong kundi for PR lang at Maka convert ng mga bagong kaanib para sabihin na"mababait ang INC" at galing pa sa donation ng mga mahirap nakapatid yung karamihan ng mga ibinibigay na donation, nagtayo ng broadcasting companies para kumita ng bilyon sa mga advertising agency, nagtayo ng magarbong Philippine Arena Pero need ng pagkamahal mahal na ticket para nakapasok. Oo namigay nga ng mga mamahaling sasakyan Pero bilang incentive sa mga ministro na nakapagpasok ng pinakamaraming convert sa Iglesia.. Pero hindi iyan ang layunin ni Cristo para sa Iglesia Niya. Hindi para nagpayaman. Kaya sino ba naman ang hindi matitisod?